naaalala kita sa sandaling pagkalugmok
dahil naninibasib pa rin ang sistemang bulok
at amoy-asupre pa rin ang namumunong bugok
habang hiyaw ng hustisya sa puso'y kumakatok
habang naaalala ka sa kabila ng antok
bugbog man ang aking katawan sa laksang pagkilos
sinusuri ang kalagayan at pambubusabos
ng sistemang kaysaya pag maraming dukha't kapos
sa pagpapasiya'y huwag tayong padalus-dalos
habang nasa diwa'y sistemang bulok ay matapos
halina't ibagsak pa rin ang bulok na sistema
at pag-usapan muli ito pag tayo'y nagkita
halina't kumilos laban sa mapagsamantala
obrero'y organisahin tungong pagkakaisa
hanggang sa magtagumpay tayo, O, aking kasama!
- gregbituinjr.
halagap - pagkapa sa dilim habang naghahanap ng anumang bagay; pagsagap sa bula at dumi ng sabaw ng pagkain sa pamamagitan ng malaking kutsara; tila duming namumuo sa ibabaw ng pinakuluang karne at buto (mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 425)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
PAGBIGKAS NG TULA SA PEOPLE POWER MONUMENT Ikalima ng hapon, sa harap ng People Power Monument, kasabay ng pagkilos ng mamamayan sa paggunit...
-
KAPE'T TULA SA UMAGA tuwina'y kape't tula ang almusal ng makata bago umalis ng bahay at maglingkod sa dukha bago kumilos sa kals...
-
inihahanda ang sibuyas, diwa'y naglalaro tangan ang kutsilyong ginayat iyon ng manipis para sa adobo, sa diwa'y may ilang nabuo p...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento