Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod
Pagkakaisa nitong mga dukha'y nakalulugod
Mistulang mga lider at kasapi'y di napapagod
Lalo't sosyalistang lipunan ang itinataguyod
KPML, ito'y organisasyong sadyang matatag
Palaging nasa laban, bagong sistema'y nilalatag
Mga prinsipyong tangan ang kanyang ipinapahayag
Landas tungong lipunang makatao ang pinapatag
Kaya nating baguhin ang sistema kung sama-sama
Pagtaas ng ating kamao'y di mapipigil nila
Maralitang nagkakaisa'y katatagan ng masa
Lumalaban para sa isang makataong sistema
Kung nagkakaisa sa laban, magpatuloy pa tayo
Pagpupugay sa nakikibaka tungong sosyalismo
Mabuhay ang KPML, mga kasapian nito
Lupigin ang mapang-api, mapagsamantala't tuso
- gregbituinjr.12-18-2019
halagap - pagkapa sa dilim habang naghahanap ng anumang bagay; pagsagap sa bula at dumi ng sabaw ng pagkain sa pamamagitan ng malaking kutsara; tila duming namumuo sa ibabaw ng pinakuluang karne at buto (mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 425)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
PAGBIGKAS NG TULA SA PEOPLE POWER MONUMENT Ikalima ng hapon, sa harap ng People Power Monument, kasabay ng pagkilos ng mamamayan sa paggunit...
-
KAPE'T TULA SA UMAGA tuwina'y kape't tula ang almusal ng makata bago umalis ng bahay at maglingkod sa dukha bago kumilos sa kals...
-
inihahanda ang sibuyas, diwa'y naglalaro tangan ang kutsilyong ginayat iyon ng manipis para sa adobo, sa diwa'y may ilang nabuo p...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento